Hindi sumang-ayon ang Greenland sa mga naglabasang reports na may balak umano si US President Donald Trump na bilhin ang tinaguriang “world’s biggest island.”
Bukas umano ang bansa sa kahit anong negosyo ngunit hindi raw nito ibinebenta ang kanilang lupa.
Ayon sa mga reports, nagpakita raw si Trump ng interes na bilhin ang naturang autonomous Danish territory.
Kumonsulta na umano ang American president sa kaniyang mga advisers kung maaari nitong bilhin ang nasabing isla.
“We have
Ilang Danish politicians din ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa ideya ni Trump.
“It has to be an April Fool’s joke. Totally out of season,” ani former prime minister Lars Lokke Rasmussen.