-- Advertisements --

Nanawagan ang environmental group na Greenpeace na dapat higpitan ng Pilipinas ang pagpasok ng mga kargamento sa bansa.

Ito ay dahil sa magkakasunod na pagkakadiskubre ng mga kargamento na naglalaman ng mga basura.

Sinabi ni Abigail Aguilar, Greepeace Southeast Asia-Philippines Campaigner, na hindi katanggap-tanggap na tila ginagawang tapunan ng basura ang bansa.

Bukod sa 103 na container na basura mula sa Canada ay mayroong pitong containers ng mga basura mula sa Australia na ipinadala sa Misamis Oriental.