-- Advertisements --
gretchen ig 2

Maanghang ang naging tirada ng aktres na si Gretchen Barretto laban sa kaniyang kapatid na si Marjorie matapos ang mga alegasyon nito tungkol sa naganap na away nila sa burol ng kanilang ama.

Sa kaniyang personal social media account, isiniwalat ni Gretchen na si Marjorie umano ang dahilan kung bakit hindi nito nadalaw ang kanilang ama na nasa ospital at mas lalo lamang daw magkaka tensyon kung magpapang-abot sila ni dating Caloocan mayor Recom Echeverri.

Dagdag pa ni Gretchen, nag nervous breakdown umano si Marjorie na naging sanhi upang magkagulo sa burol ng kanilang yumaong ama na si Miguel Barretto.

Ngunit una nang sinabi ni Marjorie na ang kaniyang ate ang unang sumabog sa galit at pumatol lamang siya.

Sa kabila nito, nag-post din ng video si Gretchen kung saan makikita na “in good terms” na sila ng kaniyang ina na si Inday.

“I was not allowed to go to the hospital because of your outbursts and because there will be more tension for me to see EX MAYOR ECHIVERRI,” saad ni Gretchen.

“The attack of your father, as you say happened as told to me by our mother is because you ARRANGED a lunch party for dad to spite mom for being on Claudine’s side. You did not invite mom and that caused a huge dispute between our parents and the rest is history.”

https://www.instagram.com/p/B364LdipgTB/