MEMPHIS, Tenn. – Nanguna si Mike Conley sa kanyang 24 points at eight assists upang tuldukan ng Memphis Grizzlies ang kanilang 10 laro na talo sa postseason at gulatin ang San Antonio Spurs, 105-94, sa Game 3 sa Western Conference.
Ang panalo ay nagbigay din sa bagong Grizzlies coach na si David Fizdale sa kanyang unang postseason victory.
Umeksena rin para sa team sina Marc Gasol at Zach Randolph na merong 21 points ang bawat isa.
Sa third quarter ay umabanse na ang Memphis sa San Antonio sa 31-17 at inabot pa sa 22 puntos ang kalamangan sa second half.
Minalas sa mga tira si Kawhi Leonard na meron lamang 18 puntos samantalang sa unang dalawang laro ay meron siyang 32 at 37.
Nagpakita naman si LaMarcus Aldridge ng 16 points habang si Kyle Anderson ay nagtapos sa 15.
Dahil dito, nagdesisyon si Spurs coach Gregg Popovich na i-bench na lamang ang kanyang mga starters sa halos buong fourth quarter upang paghandaan na bumawi sa Game 4 sa Linggo.