-- Advertisements --
bane

Abot langit ang tuwa ng Memphis Grizzlies matapos nitong talunin ang katunggaling Dallas Mavericks sa score na 112-108 sa pagbubukas ng isang home-and-home series ng NBA.

Sa simula pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas kaagad si Desmond Bane at  umiskor ito ng 25 points habang si David Roddy naman ay nakapag poste ng season high 24 points.

Nagdagdag ng eight assist at seven rebounds si Bane at si Roddy naman ay nagpakawala ng apat na 3 pointers para sa kanilang koponan.

Nakapag kolekta naman ng puntos para sa Memphis si Jaren Jackson Jr ng 14 points at 7 rebounds habang umalalay rin si Xavier Tillman at nag-ambag ito ng 12 points at 8 rebounds.

Mainit ang naging paghaharap ng dalawang kupunan ngunit isa sa kanila ang nabigong masungkit ang swerte.