Muling sumandal ang Boston Celtics sa offensive heroics ni Jayson Tatum upang iposte ang ika-35 panalo laban sa Orlando Magic, 116-100.
Ito na ang ika-limang sunod na panalo ng Celtics upang palakasin pa ang kanilang paghahabol sa playoffs.
Sa kabuuan nagtapos sa game si Tatum ng 33 points kung saan ang kanyang naibuslo na 16 ay nagawak ipasok sa second half.
Pang anim na laro na ito na nakapagtaka ng 30 puntos o mahigit pa si tatum.
Tumulong naman sa panalo sina Gordon Hayward na may 23 points at Jaylen Brown na nagpakita ng 18.
Ang panalo ng Boston ay sa kabila na hindi nakapaglaro sina Kemba Walker (sore left knee), Marcus Smart (right quad contusion), Daniel Theis (right ankle sprain) at Robert Williams (left hip edema).
Sa ibang game, nasilat naman ng Memphis Grizzlies (26-25) ang Dallas Mavericks, 121-107.
Nagsama ng puwersa sina Ja Morant na umiskor ng 21 points, Jaren Jackson Jr. at Tyus Jones na may tig-19 apiece upang samantalahin ang hindi paglalaro ni Luka Doncic sa Mavs (31-20).
Samantala sa mga susunod na lalaro papasok naman bilang bagong miyembro ng Grizzlies si Justise Winslow na ipinalit sa trade si Andre Iguodala.