-- Advertisements --

Bumaba ang gross international reserves (GIR) ng bansa nitong nakalipas na buwan ng Setyembre.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang dahilan nito ay dahil sa patuloy ang pagbayad ng gobyerno ng mga utang sa ibang bansa.

Base sa datos na ipinalabas ng BSP, mayroon na lamang $107.156 bilyon ang GIR level ng bansa noong Setyembre mula sa $107.964 noong Agosto.

Dagdag pa ng BSP na ang nasabing halaga ay mas mataas pa rin kumpara noong nakaraang taon sa parehas din na buwan na mayroon lamang na $100.443 bilyon.

Bukod sa pagbabayad ng gobyerno ng mga utang sa ibang bansa ay ang pagbaba rin ng adjustment ng value ng gold holdings ng BSP dahil sa bumaba ang presyo ng gold sa pandaigdigang pamilihan.