-- Advertisements --

Umangat ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas ng 0.43 billion dollars para maitala ang 85.61 billion dollars nitong nakalipas na buwan ng Agosto.

Matatandaang 85.18 billion dollars lamang ito noong buwan ng Hulyo 2019.

Batay sa anunsyo ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, ang paglago ng GIR kada buwan ay sumasalamin sa net foreign currency deposits at BSP income mula sa investments mula sa ibang bansa.

Samantala, ang net international reserves (NIR) ay tumaas din ng 0.43 billion dollars.