-- Advertisements --

Nakapagtala ang Pilipinas ng paglaki pa ng Gross International Reserves (GIR) sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero.

Ito ay sa kabila na mas malakihang presyuhan pa ng central bank sa mga gold reserves.

Ayon sa inisyal na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nagpapakita na ang international reserves ay tumaas pa ng 2.68% mula sa $105.161 billion kada taon.

Iniulat ng BSP na ang lebel ng dollar reserves nitong nakalipas na buwan kung tutusin ay 8.4 na beses na kayang bayaran ang pagkakautang ng Pilipinas mula sa short-term external debt.