Nakitaan ng paglawak o swelling sa itaas na bahagi ng Bulkang Kanlaon simula kagabi, 10 Enero 2025.
Batay sa pagsusukat ng Electronic Distance Meter (EDM) ay nakita ang inflation sa southeast area mula noong Disyembre 2024.
Ang mga pagbabago sa lupa ay katulad ng mga naitala bago ang pagsabog noong Disyembre 9, 2024.
Ang mga actual na pagsusukat ng SO2 noong 10 Enero 2025 ay nagpakita ng average emission na 5,763 tonelada kada araw, ngunit bumaba sa 2,029 tonelada kada araw noong Enero 9, 2025.
Ang publiko ay inaabisuhan na nakataas ang Alert Level 3 (magmatic unrest) sa Bulkang Kanlaon, at maaaring magkaroon ng biglang pagsabog na delikado para sa mga komunidad.
Ang mga mamamayan sa loob ng anim na kilometrong radius mula sa tuktok na crater ay dapat manatili sa evacuation centers.
Ang LGU at DRRM councils ay kailangang bantayan ang lagay ng panahon at ihanda ang mga komunidad para sa kaligtasan ng mga ito.
Ang mga piloto ay pinapayuhanan na iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan.
Ang DOST-PHIVOLCS ay patuloy na nagmamanman sa Bulkang Kanlaon at magbibigay ng mga abiso para sa mga kinauukulan.