Nakatakdang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ng P400-million “state of the art hospital” para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa San Fernando, Pampanga sa May 1, Labor Day.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, itatayo ang nasabing ospital sa dalawang ektaryang lupaing donasyon ni Pampanga Gov. Lilia Pineda.
Ayon kay Sec. Bello, ito ang magiging pangunahing Labor Day activity at magandang balita ni Pangulong Duterte para sa mga manggagawa.
Inihayag ni Sec. Bello na patunay ito ng pagmamahal ni Pangulong Duterte sa mga OFWs.
Maliban umano sa groundbreaking ng OFWs hospital, magkakaroon din ng mga jobs fair sa lahat ng mga rehiyon sa buong bansa kung saan dadaluhan ng iba’t ibang mga employers.