-- Advertisements --
Nakahandang i-deploy ang grounded FA-50 fighter jet fleet sakaling magkaroon ng emergency o isyu sa pambansang seguridad.
Ito ang nilinaw ni Philippine Air Force (PAF) spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo kasunod nga ng pagtigil pansamantala sa paglipad ng nasabing mga fighter jet matapos ang trahediya sa pagbagsak ng isa sa fighter jet sa Bukidnon na kumitil sa 2 piloto.
Tiniyak din ng PAF official ang masusing imbestigasyon sa insidente dahil mahalaga ang naturang mga fighter jet sa pambansang seguridad ng ating bansa.
Una ng binili ng Pilipinas ang nasa 12 units ng FA-50 fighter jet mula sa South Korea na idineliver sa bansa mula 2015 hanggang 2017.