-- Advertisements --

Papayagan na ng lungsod ng San Juan ang pagsasagawa ng mga zumba o iba pang mga group exercises.

Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na maari ng isagawa ang nasabing mga aktibidad sa Pinaglabanan Shrine at ibang mga open areas sa nasabing lungsod.

Paglilinaw naman nito na maari lamang gawin ito sa maximum na 70% ang kapasidad.

May nakatalaga din aniyang mga kapulisan na magpapaalala sa pagsunod ng health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Nakasaad kasi sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force na kapag ang lugar ay nasa Alert Level 2 ay maaari ng isagawa ang mga group exercises basta gawin ito sa outdoor.