-- Advertisements --
PMA CADETS

CAGAYAN DE ORO CITY – Isinulong ngayon ni Philippine Military Academy (PMA) Supt. Reard Admiral Allan Cusi ang ilang reporma para sa mga kadete at maging sa kanilang mga opisyal upang tuluyang tuldukan ang mga kaso ng mga pagmaltrato o hazing.

Ito ay kasunod ng mga batikos na natanggap ng PMA dahil sa kapabayaan na nagdulot sa pagkasawi ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni PMA spokesperson Capt. Cheryl Tindog na kabilang sa ipinatupad ni Cusi ay ang group norming para sa mga kadete.

Nakapaloob umano rito ang mga aktibidad na maglalayong maiwasan ang mga pagmaltrato, sexual harassment at drug case abuses.

Ang group norming ay una nang ipinapatud ni Cusi noong nasa Philippine Navy pa siya.

Inihayag pa ni Tindog na hangad ni Cusi na magkaroon ng culture change sa loob ng PMA sa pamamagitan ng mahigpit na pag-obserba ng mga kadete sa honor code.