-- Advertisements --

Inilabas na ang Paris Olympics ang mga groupings ng men’s basketball tournament.

Sa kabuuang 12 koponan ay hinati ito sa tatlong grupo na binubuo ng apat na koponan.

Ang group stage ay lalaruin sa pamamagitan ng round-robin format kung saan bawat koponan ay makakaharap ang lahat ng koponan sa grupo.

Ang mga bansang nasa una at ikalawang puwesto sa bawat grupo ganun din ang dalawang best third-placed teams sa group phase ay kuwalipikado na sa final phase.

Walong national teams mula sa limang magkakaibang kontinente ang kuwalipikado na sa bilang host natoin o base sa resulta ng FIBA Basketball World Cup noong nakaraang taon.

Kinabibilangan ito ng France, Serbia, Germany, Australia, Japan, Canada, South Sudan at US.

Ang natitirang apat na slots ay ibibigay sa mga koponan na mananalo sa FIBA Olympic qualifying tournaments na gaganapin sa Hulyo 2-7 sa Riga, Latvia; Valencia, Spain; Piraeus, Greece at sa San Juan, Puerto Rico.

Magaganap ang Olympic Tournaments mula Hulyo 27 hanggang Agosto 10.

Kabilang sa Group A ang Australia, Canada at ang mga mananalo sa OQT sa Greece at Spain.

Habang sa Group B ay binubuo ng France, Germany, Japan at ang mananalo sa OQT sa Lativa.

Sa Group C naman ang Serbia, South Sudan, US at ang mananalo sa OQT sa Puerto Rico.