Nagpahiwatig ang ilang economic managers na titindi pa ang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas habang tumatagal ang krisis sa pandemya.
Sinasabing “mas worst pa” sa 0.2 percent ang pagbulusok ng ekonomiya sa unang tatlong buwan ang mga susunod na panahon.
Batay sa record ang first quarter ngayong taon ang pinakamahinang performance ng ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa krisis noong taong 1998.
Ang gross domestic product (GDP) data ng Pilipinas para sa buwan ng Abril hanggang June period ay lalabas pa lamang sa buwan ng Agosto.
Ang Duterte administration ay inaasahan na ang GDP ay hihina pa hanggang 2 percent hanggang 3.4% ngayong taon.
Ginamit naman ni acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang salitang “severe” at hindi nila inaasahan ang epekto ng COVID crisis sa ekonomiya ng bansa nitong nakalipas na unang mga buwan.
Dahil dito ayon kay Chua inaantay nila ang mga darating na data at doon lamang nilang mapag-aaralan kung ano ang mga susunod na hakbang lalo na ang kinakailangan pagrebisa sa tinatawag na “macroeconomic assumptions.”
“So we’re doing this as objective and adaptive as possible,” ani Chua sa isinagawang virtual press conference. “Once we see the newest data we will of course revise our macroeconomic assumptions.”