Nahaharap sa kasong ‘child pornography’ ang bandang Nirvana.
Itinuturing kasi ni Spencer Elden na isang “child sexual exploitation” ang paglabas niya sa 1991 album cover ng Nirvana na “Nevermind”.
Si Spencer ang siyang kinuha sa cover na naglalangoy na nakahubad at may perang kinukuha.
Ayon sa complainant na 30-anyos na ngayon na dumanas ito ng matagalang damyos sa kaniyang buhay.
Isinampa ang rekllamo sa federal court sa California.
Ilan sa mga inilista na kasama sa kaso ay ang natitirang miyembro ng banda, ang tagapagmana ng yumaong singer na si Kurt Cobain at mga record labels.
Humihingi ito ng tig $150,000 na damyos sa bawat defendants puwera pa aniya ang legal cost dahil sa pagpapalabas ng child pornography.
Ipinapalabas sa nasabing larawan na tila isang ‘sex worker’ si Elden na kinukuha ang isang dolyar.
Ilan sa mga sumikat na kanta ng album ay ang “Smells Like Teen Spirits” na nakabenta ng ilang milyong kopya sa buong mundo.