-- Advertisements --

Tuloy pa ring pinag-uusapan ang sinasabing “pag-hijack” umano ni Iloilo Rep. Janette Garin sa isang flight para sa limang medical technologies na dapat ay papuntang Manila para mag-training sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing.

Isa sa mga dumidepensa sa mambabatas ay si Presidential Consultant for Western Visayas Jane Javellana.

Pero ayon kay Pinoy Aksyon for Governance and Environment (Pinoy Aksyon) Convenor Em Ross Guangco, tila pilit lamang umanong nililipat ni Javellana ang sisi sa buliyaso na kinasangkutan ni Rep. Garin sa ibang tao.

“Mahirap paniwalaan na mangyayari ang ganung buliyaso dahil si Javellana mismo ang isa sa mga tumulong maisaayos ang mga flight clearance. Isa pa, si Javellana ay na-appoint ng Presidente sa napakagandang posisyon na maging ‘eyes and ears’ ng national government sa Western Visayas. Tapos mangyayari ang ganito sa gitna pa ng pandemic?,” ani Guangco.

Mas lalo pang nagduda si Guangco sa mga sinasabi ni Javellana dahil sa pagdawit nito kay Asec. Gonzales sa isyu.

“Ginulo mo lang ang system na wala ka naman dapat role. Hindi rin ethical ang kanyang ginawa sa kanyang direct supervisor na pinalalabas n’ya na hindi nakipag-coordinate ng maayos ang sarili n’yang boss,” dagdag ng convenor.

Tulad ni Rep. Garin, iginigiit din ni Javellana na isang “miscommunication lamang ang nangyari.”

Kasabay nito, nagprisinta siya ng sariling ispekulasyon na baka raw nasa parte ni Department of Health (DoH) Region 6 Director Marlyn Convocar ang dahilan ng buliyaso.

Ayon kay Javellana hindi raw sila inabisuhan ni Convocar na lilipad din papuntang Manila ang staff ni Iloilo City Rep. Julienne “Jam” Baronda.

Naniniwala si Javellana na ito nga ang dahilan kung bakit hindi na pinayagan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na makalipad ang ibang med tech.

Kamakailan, dinamay na rin daw ni Javellana ang mismong boss niya na si Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) Assistant Secretary Jonji Gonzales sa isyu.

Dahil ilag nang netizens ang bumatikos sa kanya, nag-post si Javellana sa Facebook ng mga naka-screenshot na messages sa kanyang smartphone.

“Baka na-amnesia na si Asec. Jonji at nakalimutan ang usapan 1 day before departure,” ani Javellana.

Pero may duda ang ilang concerned citizens sa dahilan ni Javellana, lalo na dahil ilang tao na ang pilit niyang sinisisi sa nangyaring aberya.

Kung maalala, ang pagpapadala ng limang med tech mula Iloilo sa Manila para mag-training sa COVID-19 testing sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ay proyekto ng ilang grupo na nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng gobyerno sa Iloilo.

Layunin nila na makapagpatayo ng dalawang accredited COVID-19 testing centers sa Iloilo.

Ang dalawang testing centers ang magsisilbi sa buong Western Visayas.

Malaking tulong ito para hindi na kailangan ipadala pa ang mga specimen para ma-test sa COVID-19 sa RITM.

Para maging accredited ang mga ito ng Department of Health (DOH), kailangan ma-train ang mga med tech sa RITM.

Walang commercial flights kaya nag-request si Iloilo City Mayor Jerry Treñas ng tulong mula sa negosyanteng si Alfonso Tan.

Si Tan naman ay agad nagpahiram ng kanyang private plane para sa grt

Nakatakda sanang tumulak ang limang med tech na lumpipad sa Manila noong Marso 22.

Naayos na ang lahat pati ang pagkuha ng flight clearance galing sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at sa Office of Civil Defense.

Si Javellana ang isa umano sa mga tumulong na mabigyan ng clearance sa naturang araw.

Ngunit nang nagpunta ang dalawang med tech galing Western Mindanao Medical Center (WVMC) na sina Cecille Resol at Kathleen Torilla sa airport, sinabihan umano silang kasama nila sa eroplano si Garin na galing sa Manila at pabalik rin kasabay nila.

Si Garin ay dumating sa Iloilo kasama ang mga taga-RITM na tumingin sa WVMC laboratory.

Sinabihan umano ang mga med tech na ang naka-schedule nilang flight na alas-2:00 ng hapon ay magiging alas-4:00 na dahil dapat nilang hintayin si Garin.

Pero nag-alangan ang mga med echt na sumama kay Garin dahil ang kongresista ay galing ng Manila, kung saan may mga kaso na rin ng COVID-19.

Ayon sa protocol, si Garin daw ay dapat naka-quarantine at hindi dapat gumala sa Iloilo.

Mariin namang itinanggi ni Garin ang akusasyon na isang “hijack” ang nangyari dahil naunsiyami ang planong training ng mga med tech.

Wala raw siyang alam kung bakit nagkagulo ang mga flight arrangements.

Ilan pang netizens din ang hindi naniniwalang isang simpleng “miscommunication” lang ang nangyari.

Ilan sa kanila ay nagpahayag ng pagkadismaya kay Javellana sa social media dahil pakiramdam nila na nagpapalaganap lamang siya ng “fake news.”

“May sinasabotahe yan na congresswoman. Sinisiraan para magkalamat sa Presidente. Kababayan n’ya pa,” anang nagkomentong si Janette Abanero.

“Yung ginagawa mo ate hindi nakakatulong sa bansa. Mas lalo mong binabagsak ang ating Pangulo,” anang netizen na si Atasha Hailey Miranda na nag-post ng mensahe para kay Javellana.

Noong nabanggit na ni Javellana si Asec. Gonzales, ang commenter na si Emmanuel Gomez ay nagsabing: “Hindi ko po lubnos maisip na ang Assistant Secretary at magisinungaling sa isang interview na maririnig ng marami.”

Ang reply naman ni Javellana sa kanya: “Sana kasi kuya bago ka nag-share inalam mo muna. Yan tuloy fake news ka.”

“Ang ibig sabihin ng nasabing reply ni Javellana. Inaakusahan na rin ba n’yang nagpapakalat ng “fake news” si Asec. Gonzales? Siguro nahimasmasan ng konti si Javellana dahil biglang kumambio s’ya at nag-post ng follow-up reply sa commenter: “Baka po yan ang sinabi n’ya. OK na po yan.”

Ano ba talaga? Hindi biro ang magdawit ng sariling boss sa kontrobersya, pero si Javellana ay mukhang bara-bara lang sa kanyang mga pahayag. Kung ganito pala ang kanyang standard operating procedure (SOP), di nakapagtataka kung bakit maraming netizens na ang nagdududa kung karapatdapat pa talaga s’ya maging Presidential Consultant. Baka isa lang s’ya sa mga presidential appointees na sinayang ang tiwala ng Presidente.”