-- Advertisements --
Muling umapela ang grupong EcoWaste Coalition sa mga kandidato ngayong halalan na isaalang-alang ang kalikasan sa panahon ng pagsasagawa ng pangangampanya.
Ginawa ng grupo ang panawagan kasabay ng nakatakdang pagsisimula ng campaign period para sa halalan ngayong taon.
Ayon sa grupo, sila ay kaisa ng Commission on Elections sa pagsusulong ng responsableng pangangampanya ngayong eleksyon.
Nanawagan rin ang grupo sa mga kandidato na iwasan ang sobra-sobrang pag poproduce ng mga election materials.
Kadalasan kasing problema tuwing panahon ng halalan ang mga ginagamit na plastic sa pagbuo ng mga campaign materials.
Kabilang na dito ang mga basurang naiiwan sa mga lansangan at nagkalat na mga election paraphernalia sa kalsada , poste at puno.