-- Advertisements --
Inilunsad ng grupong sumusuporta kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang President Isko Movement-Isulong ang Kapakanan ng bawat Pilipino (PRIMO-ISKO).
Binubuo ito nina Nato Agbayani bilang National PRIMO-ISKO Chairman, Barbie Atienza bilang founding chairman, vice-chairman Michael Herrera, tourism executive Raffy Chico at president Juliet Ramos.
Dumalo sa pamamagitan ng virtual ceremony ang mga liders ng tourism, urban poor, barangay, solo parents, youth, legal and religious sector.
Itinuturing na ito ang pinakamalaking multisectoral national volunteer organizations sa bansa na binuo ng ilang mga miyembro *mula sa National Capital Region, Northern, Central at Southern Luzon, Cebu at Mindanao.