-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinastigo ng nabuong grupo na Nagpakabanang Nagkatigom sa Northern Mindanao ang kaliwa’t kanan na kapalpakan at panggigipit umano ng Malakanyang sa mga indibidiwal na komontra sa pamunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kasunod pa rin ito ng umano’y hayagang political persecution ng administrasyon gamit ang mga imbestigasyon ng Kamara laban kay Bise-Presidente Sara Duterte.

Sinabi ni Tess Padla,co-convenor ng grupo na kailangan nila maninindigan laban sa ilang palisya ni Marcos na para sa kanila ay lalong maglagay sa Pilipinas sa alanganin.

Aniya,maliban sa ipinaabot nila na suporta para kay VP Sara na nahaharap ng mga imbestigasyon at impeachment cases sa Kamara, mariing tinutulan rin nila ang pagsilbing lokasyon ng Cagayan de Oro ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Na-alarma rin sila sa anunsyo ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr na lagyan ng naval base ng Philippine Navy ang daungan ng Phividec Industrial Authority ng Tagoloan,Misamis Oriental na mas makapagpatindi-galit ng Tsina laban sa Pilipinas.

Naniwala sila na hindi malayo na magsilbing proxy war location ang Pilipinas dahil sa kompetisyon at interes ng magka-ribal na Estados Unidos ug Tsina.

Magugunitang katatapos lang nagsagawa ng kanilang pagtitipon ang grupo sa Gaston Park ng lungsod nitong hapon upang ihayag ang kanilang mga pinanindigan na mga isyu patungkol sa kasalukuyang administrasyon.