Nahaharap pa rin ang halos lahat ng bansa sa buong Mundo sa hamon ng Climate Change maging ang Pilipinas ay hindi rin ligtas dito.
Dahil sa pagbabago ng klima at sunod sunod na rin ang mga nararanasang kalamidad sa bansa lalo na ang mga bagyo.
Kaugnay nito ay muling nanawagan ang grupong Alpas Pinas na gamitin na ang nuclear energy sa bansa upang masulusyunan ang hamon sa Climate Change.
Ayon sa grupo, di hamak na mas malinis at abot kaya ang nuclear energy .
Ito ay maaaring maging alternatibo sa fossil fuels na nagdudulot ng pagtaas ng carbon emissions na siyang nagpapalala sa paginit ng mundo.
Naniniwala naman si Gayle Certeza, Lead Convenor ng Alpas Pinas na sa sandaling lumipat na ang Pilipinas sa paggamit ng Nuclear Energy ay mababawasan na ang epekto ng extreme weather events.
Layon rin nito na maging stable ang suplay ng enerhiya sa hinaharap.
Pinanghihinayangan ng grupo ang Philippine Nuclear Power Plant 1 na nakatengga hanggang sa ngayon na malaki sanang tulong sa energy sector ng bansa at paglago ng ating ekonomiya.