Humingi ng pang-unawa ang samahan ng mga bangko sa bansa na makakaranas ang mga mamamayan ng panaka-nakang pagsasara ng iba’t-ibang bangko dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa Bankers Association of the Philippine (BAP) na bukod sa pagsasara ng mga bangko ay may ilang bangko rin ang pinaiksi ang oras ng kanilang operating hours.
Ang nasabing hakbang ay dagdag sa ipinapatupa na kasalukuyang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing.
Tiniyak nila sa publiko na ang nasabing adjustments ay para mapanatili ang maasahan serbisyo ng mga bangko.
Hinikayat nila ang mga kliyente na tignan ang mga websites ng kanilang bangko para sa ibang mga pagbabago.
Ang BAP ay mayroong 45 na member banks kung saan 21 ay mga lokal na bangko at 24 ay mga foreign bank branches.
Tiniyak din ng Chamber of Thrift Banks (CTB) na tuloy ang kanilang serbisyo kung saan halos lahat aniya ng mga miyembro nila ay bukas.