-- Advertisements --

Hinikayat ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpatupad lamang ng 1 percent na withholding tax sa mga online sellers.

Ayon sa grupo na hindi pa tuluyang nakakabangon ang bansa mula sa COVID-19 kaya kapag hindi ipinatupad ang nasabing balakin ay maraming mga Filipino ang mahihirapan.

Nanawagan din ang grupo kay Pangulong Ferdinand Marcos na dapat pumanig sa mga mahihirap dahil tiyak na marami ang mahihirapan kapag dinagdagan ang mga buwis na babayaran.

Magugunitang plano ng BIR na dagdagan ang buwis na ipinapataw sa mga online sellers dahil nagiging talamak o nagkalat na sila ngayon lalo na sa social media.