Sinang-ayunan ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) ang panukala ng gobyerno na irehistro ang mga electric vehicles (EV) kabilang na ang lahat ng mga e-trikes at e-bikes.
Ayon sa grupo na dapat pag-aralang munang mabuti ng gobyerno ang panukala kung saan tanging mga mabibilis lamang na mga EV’s ang marapat na irehistro.
Sinabi ni EVAP Assistant Executive Director Neil Lopez na ang pagpaparehistro ng mga sasakyan ay para na rin sa kaligtasan ng gumagamit ganun din ang publiko.
Isa rin paraan ang registration na matiyak na ito ay hindi substandard para maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada.
Magugunitang binabalangkas na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang panukalang iparehistro ang mga electric bikes dahil sa nakakabahalang pagkalat ng mga ito sa mga pangunahing kalsada sa bansa.