Hinimok ng isang grupo ng mga guro ang DepEd na mag-hire ng 30,000 na mga bagong guro taun-taon sa susunod na limang taon.
Ito’y upang matugunan daw ang kakulangan ng mga pampublikong at pang-pribadong guro sa ating bansa.
Kung matatandaan, inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na plano ng ahensya na kumuha ng mga bagong guro bawat taon.
Sa panig naman ng Alliance of Concerned Teachers, sinabi nila na maaaring bawasan din ang class size sa 35 na mga mag-aaral bawat isang guro na magreresulta sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Chairperson Vladimer Quetua, kailangang kumuha ng 25,000 bagong guro taun-taon hanggang 2028.
Aniya, humigit-kumulang P14 billion ang kakailanganin para makakuha ng 30,000 bagong guro sa isang taon batay sa datos ng Department of Budget and Management.