CAGAYAN DE ORO CITY – Isasabay din ng ilang internally displaced persons (IDPs) ang kanilang sariling state of the Marawi bakwit bilang pantapat ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Maranao Consesus convenor Drieza Abanto Lininding na ilulunsad nila ang state of the Marawi bakwit sa at tatapusin halos kasabay sa isasagawa rin ni Duterte ng kanyang pang-apat na SONA mamayang hapon.
Inihayag ni Lininding na nais lamang nila ipaabot ang tunay na kalagayan ng IDPs matapos ang higit dalawang taon na ang nakalipas nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng state forces at grupong Maute-ISIS sa Marawi City.
Inamin ni Lininding na marami pa ring mga IDPs ang hindi pa nabigyan ng pansin ng pamahalaan dahil ilang daan lamang ang nakakuha ng temporary shelters na ipinagkaloob sa mga ito.
Binigyan din ng tres porsyento o bagsak na grado ng grupo si Duterte pagdating sa daw sa larangan ng rehabilitasyon at pagpapabangong muli ng Marawi City.
Magugunitang nasa higit 100,000 residente ang apektado at nawalan ng kabahayan ng tumagal ng limang buwan ang pagpulbos ng state forces laban sa mga terorista simula Mayo 23 hanggang Oktubre 23, 2017.