-- Advertisements --
Nanawagan ang Committee to Protect Journalists ng independent investigation saginawang pag-atake ng Israel sa southern Lebanon na ikinasawi ng dalawang reporters at ikinasugat ng iba pa.
Ayon kay CPJ Programme Director Carlos Martinez de la Serna na marapat mapanagot ang Israel sa ginawang airstrike sa compound ng Hasbaiyya .
Sa nasabing compound ay doon natutulog ang nasa 18 journalist mula sa iba’t-ibang outlet.
Giit nito na ang pag-target ng journalists sa ay isang uri ng war crime sa ilalim ng international law.
Magugunitang mula ng umusbong giyera sa pagitan ng Hamas at Israel ay mayroong mahigit 100 na mga journalist ang nasawi.