Hinimok ni Union of Local Authorities of the Philippines president at Quirino Governor Dakila Cua ang kanyang mga kapwa lokal na opisyal na gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng mpox sa kanilang mga komunidad.
Ginawa ni Cua ang panawagan matapos matukoy ang ika-10 kaso ng mpox sa bansa mula noong 2022 sa Quezon City.
Noong nakaraang linggo, idineklara ng World Health Organization ang pagtaas ng kaso ng mpox bilang isang public health emergency concern, na siyang pinakamataas na antas ng alerto nito.
Sa ngayon ay may 41 na malapit na contact ng pinakabagong kaso ang kasalukuyang naka-quarantine.
Ayon sa WHO, ang mpox ay naipapasa sa pamamagitan ng closed contact sa isang taong may impeksyon, hayop, o kontaminadong materyales.
Binanggit din nito na sa panahon ng outbreak na nagsimula noong 2022, ang virus ay kadalasang kumalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Ang mga karaniwang sintomas ng mpox ay kinabibilangan ng mga sugat sa balat, lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng likod, mababang enerhiya, at pamamaga ng mga lymph node.