-- Advertisements --
Hinikayat ng mga local meat-processing group ang gobyerno na ilabas ang mga pangalan ng canned products na pinagbabawal dahil sa posiblen naapektuhan ng African swine flu.
Sinabi ni Philippine Association of Meat Processors, Inc. President Boy Tiukinhoy, na mahalaga ang paglabas ng gobyerno ng listahan para alam din ng mga consumer kung ano ang dapat na bilihin.
Handa naman silang tumalima sakaling ipagbawal na ng gobyerno ang pagbebenta ng mga canned meat products.
Nauna rito, ilang mga delatang karne ang binawi sa mga pamilihan dahil sa posibleng naapektuhan ng African swine fever.