DAVAO CITY – Nagsagawa ng ritual ang isang grupo ng lumad sa Digos City matapos sa nangyaring
mass hysteria sa 11 estudyante sa Digos City national high School , pagkatapos ng kanilang morning flag ceremony.
Dala ng naturang grupo ang dalawang manok, isang puti at itim , isang agong bilang alay sa hindi katulad ng atin.
Samantala , ayon naman sa mga nakasaksi , bigla umano nawala ng malay at nagpakita ng sintomas sa mass hysteria, kasali na ang hindi mapigilan ng pag-iiyak, hyperventilation at panic attack.
Samantala, kinumpirma naman ng school head principal na may tatlong bata ang unang nawalan ng malay noong biyernes, ngunit binulaan ito ng principal dahil hindi umano ito kagawaan ng masamang espiritu.
Una na ring itinurong dahilan sa mga pangyayaring ito, aniya ang pagputol sa isang puno sa loob ng naturang paaralan, ngunit binulaan ulit ito ng principal.
Kung maalala, agad itong pinagtulungan sa mga kawani sa naturang paaralan at mga medical professionals ang mga estudyante para agad mabigyan ng saktong medikal na atensyon ,kung saan nagsagawa din ng spiritual support program bilang patnubay sa emosyon ng mga estudyante.
Kinumpirma rin ito ng Digos City Division sa Department of Education ang naturang pagyayari.
Base sa inilabas na pahayag, nakaranas ang 11 na mga estudyante ng napaka-emosyonal, pamilya at problema sa kalusugan.
Sa kasulukuyan, nakatakdang magsagawa ng isang counselling session sa nasabing mga estudyante at kasulukuyang minomonitor ito ng kanilang administrator at pamilya ng mga estudyante.