Inihayag ng grupo ng mga magsasaka na ang kanilang panukala para sa farm gate price ng bigas ay P20 pesos pataas.
Ang pahayag ay isiniwalat ng Kilusang magbubukid ng Pilipinas, kaugnay ng pagsisimula ng price ceiling kahapon Setyembre 5.
Ayon kay KMP Chairman Danilo Ramos, mga rice cartel kasi umano at traders ang namimili ng palay at hindi ang National Food Authority.
Giit ni Ramos na ang NFA ay walang hawak o pinamamahalaan na mga palay.
Mula kasi noong Pebrero 2019, nawala na ang function ng NFA sa ilalim ng liberalization law na bumili ng palay at magtinda ng bigas sa mga merkado sa iba’t-ibang bansa.
Aniya, ang pagpapatupad ng price ceiling sa produktong bigas ni PBBM ay isang palliative solution.
Dagdag pa ni Ramos na dapat bilhin ng NFA ang 25% total palay production sa panahon ng harvest season.
Kung matatandaan, sa ilalim ng Executive Order 39, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang P41 kada kilo bilang price ceiling para sa regular milled rice at P45 per kg bilang price cap para sa well-milled rice.