-- Advertisements --
image 100

Nangangamba ngayon ang isang agricultural group sa ulat na bumaba na sa P13 hanggang P14 ang farm gate price ng palay para sa ikalawang cropping season ngayon buwan.

Ayon sa Bagong Maunlad na Pilipinas Agriculture Cooperative, lubhang malaki anila ang deperensya nito kaysa sa P15 piso sa wet palay habang nasa P17 hanggang P19 naman ang presyo ng mga tuyong palay.

Sinabi ni Gary dela Paz, tagapangulo ng grupo, na posibleng magresulta ito sa pagtigil sa pagtatanim ng mga magsasaka na siyang magdudulot ng krisis sa pagkain.

Kaya naman suportado nila ang naging hakbang ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr., na bilhin ng pamahalaan ang mga lokal na produksyon ng palay para ipamahagi naman sa mga kawani ng pamahalaan.