Mabibigyan ng pagkakataaon ang grupo ng mahihirap at marginalized people na magbigay pugay sa huling sandali bago tuluyang ilibing ang yumaong lider ng Simbahang Katolika na si Pope Francis sa St. Mary Major Basilica ngayong araw ng Sabado, Abril 26.
Ito ay bahagi ng huling habilin o kahilingan ng Santo Papa.
Ayon sa Vatican, nasa 40 katao ang magtitipun-tipon umaga nitong Sabado sa Saint Mary Major Basilica sa Esquilino Roman neighbourhood kabilang ang mga mahihirap na indibidwal, homeless, prisoners, migrants at transgender individuals na magbibigay ng kanilang huling tribute at pasasalamat sa Santo Papa dahil marami sa kanila ang itinuturing siya bilang ama.
Ang naturang grupo ang huling magpapaalam sa late pontiff na mag-aalay ng mga puting rosas pagkatapos ng funeral mass sa St. Peter’s Basilica bago ang libing sa pagitan ng Pauline Chapel at Sforza Chapel of the Liberian Basilica, alinsunod sa kahilingan ni Pope Francis.
Ayon kay Bishop Benoni Ambarus, Secretary of the Commission for Migrations of the Italian Episcopal Conference at nasa tabi ng Santo Papa sa isinagawa noong isa sa most emblematic moments ng late pontiff, mayroong nakalaang isang pribilehiyong lugar ang mga mahihirap sa puso ng Diyos, kayat sa puso at katuruan ng Holy Father, pinili ang pangalang Francis upang hindi sila makalimutan.