-- Advertisements --
Ikinatuwa ng mga grupo ng manggagawa sa bagong tax rate na ipapatupad sa susunod na taon.
Sinabi ni Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno, na isang positibong hakbang ang pagpapababa ng buwis ng mga manggagawa para sa susunod na taon.
Giit pa nito na mangilan-ngilan lamang ang makikinabang nito dahil marami pa rin ang minimum wage ang kanilang sahod.
Sa taas aniya ng mga bilihin ngayon ay nararapat na bawat manggagawa ay may sahod ng P1,100 kada araw.
Patuloy din ang kanilang panawagan na dapat matanggal na ang excise tax at expanded value added tax.