Naghain ng reklamo ang grupo ng mga mangingisda at environmentalists laban sa Philippine Reclamation Authority at Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay sa reclamation at dredging projects sa Manila Bay.
Sa kasong administratibo na inihain ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipins (PAMALAKAYA) at Kalikasan People’s Network for the Environment (PNE), sinabi ng grupo na kanilang ipinapaabot ang paghihirap na nararanasan nila sa pagharap ng mga pagbabago sa kapaligiran at socioeconomic conditions na bahagyang resulta mula sa pangmatagalang epekto ng seabed quarrying at reclamation activities sa Manila Bay.
Binigyang diin ng grupo na ang reclamation at dredging projects sa Manila Bay ay nagdulot ng malaking pagbaba sa fish population, pagkaubos ng marine resources, pagtaas ng invasive marine species at humantong sa coastal at land erosion. Nakasira din aniya ito sa kanilang kabuhayan at na-displace ang mga komunidad.
Bunsod nito, hiniling ng grupo sa 2 ahensiya na magbigay ng mga detalyadong plano para sa relokasyon ng mga apektadong komunidad dahil sa reclamation at dredging activities at magkaroon technical evaluation at advisory opinions sa epekto ng naturang mga proyekto sa kapaligiran.
Hiniling din ng grupo ang mga kopiya ng environmental compliance certificates, area clearances, monitoring reports para sa lahat ng ipinatupad na at nagpapatuloy na mga proyekto sa komprehensibong environmental assessment.
Una ng sinabi ng Philippine Reclamation Authority, nasa 3 proyekto ang posibleng ituloy ngayong taon sa oras na maalis na ang suspensiyon sa reclamation activities kabilang dito ang 90-hectare Bacoor Inner Island Project, 15-hectare Navotas Fish Port Complex, at 650-hectare Navotas Coastal Bay Reclamation and Development Project