-- Advertisements --

Nagsagawa ng protesta ang mga grupo ng mangingisda mula Mendiola Peace Arch sa Maynila ngayong araw upang muling tutulan ang isinasagawang reclamation sa Manila Bay.

Ang protesta ay ginawa ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day.

Hinimok ng grupo ang gobyerno na itigil ang lahat ng reclamation, dredging projects at seabed quarrying sa Manila Bay at iba pang bahagi sa Pilipinas.

Iginiit ng mga mangingisda na malaki ang magiging epekto nito sa marine environment at kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.

Sa ngayon, ilang buwan na kasi ang nakalipas ay nagpapatuloy pa din ang reclamation project sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas lalu na sa Manila Bay.