-- Advertisements --
image 659

Ibinunyag ng presidente ng New Masinloc Fishermen’s Association na si Leonardo Cuaresma na tuluy-tuloy na nangnguha ng corals at giant clams ang umano’y mangingisdang Chinese sa Scarborough shoal sa loob na ng mahigit isang dekada.

Nagsimula aniya ang aktibidad noong 2012 nang magkaroon ng standoff sa isla at simula noon ay nagtuluy-tuloy na ito kung saan tanging ang Tsina na lamang ang nakikinabang sa yamang dagat sa lugar at walang ibang mangingisda ng ibang bansa ang pinapayagang mag-explore sa naturang isla.

Simula din ng matigil ang fishing activities sa lugar, patuloy aniya ang pagsira ng mga mangingisda ng China sa corals ng PH at nangunguha ng giant clams at shells nito.

Saad pa ni Cuaresma na base sa reports ng kanilang kasamahan na maninisid, halos wala na aniyang makitang giant clams at maraming nadurog na corals sa Bajo de Masinloc

Kaugnay nito, hinikayat ni Cuaresma ang pamahalaan na agad aksyunan ang insidenteng ito.

Una rito, noong Setyembre 22, nag-install ang China Coaat Guard ng 22 floating barrier sa lugar na may tinatayang 300 meters na haba ayon sa Philippine Coast Guard.

Nangako naman ang pamahalaan na gagawin nito ang lahat ng kaukulang hakbang para matanggal ang barrier na inilagay sa lugar at iginiit na nilabag ng hakbang na ito ng China ang 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration.

Top