-- Advertisements --
image 107

Kinalampag ng grupo ng mga mangingisda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipatigil ang reclamation projects sa Manila Bay kasunod ng matinding mga pagbaha sa probinsiya ng Bulacan at Pampanga.

Sa kasalukuyan kasi nakasailalim pa rin ang dalawang lalawigan sa state of calamity dahil sa malawakang pagbaha dulot ng nagdaang mga bagyo na pinagibayo pa ng habagat.

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), malinaw na ang mga pagbaha sa hilagang bahagi ng Manila Bay ay lumala pa dahil sa mga reclamation activity sa lugar.

Giit pa ng grupo na dapat pansamantalang ipatigil ng DENR ang reclamation projects hanggang sa mapatunayan ng proponents sa siyentipikong paraan na hindi pinalala ng naturang mga proyekto ang baha sa naturang coastal areas.

Una ng nagpahayag ng pagkabahala ang US embassy kaugnay sa reclamation projects sa Manila Bay at sinabing posibleng negatibong makaapekto ito sa kapaligiran maging sa resilience ng Manila Bay at kalapit na mga lugar at commerce.