-- Advertisements --

Nanawagan ang grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa gobyerno na gumawa ng hakbang sa palagiang pagtaas ng presyo ng mga isda tuwing Semana Santa.

Ayon sa grupo na mararapat na makialam na ang Department of Agriculture dahil tuwing Semana Santa ay tumataas ng hanggang 20 percent ang presyo ng mga isda dahil sa mataas na demand.

Nagpapatunay lamang na sinasamantala ng mga negosyante ang Semana Santa para makapagtaas ng presyo nila.

Nagiging biktima dito ay mga mangingisda dahil sa mura nilang naibebenta ito sa mga negosyante subalit ibebenta ito sa mga pamilihan ng halos doble ang presyo na.