-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Positibo ang pananaw ng grupo ng mga mangingisda sa pagpapdala ng Philippine Navy ng karagdagang patrol vessels sa Palawan, sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.

Matatandaan na noong nakalipas na araw ng magtungo ang BRP Emilio Jacinto sa naturang lugar upang mapalakas pa ang maritime patrol ng bansa.

Ayon kay Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas president Pando Hicap sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malaking tulong ang karagdagang pwersa ng bansa upang mapigilan ang patuloy na pagpasok at pananatili ng commercial fishing vessels ng China sa territorial waters ng bansa.

Subalit iginiit nito na hindi pabor ang kanilang grupo sa anumang uri ng pagdidikta ng Estados Unidos dahil mas pinapalala aniya nito ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Aniya, nagahi ng obligasyon at mandato ng pamahalaan ang pagtatanggol sa territorial waters ng Pilipinas kaya hindi ito dapat nagpapadala sa anumang uri ng pakikialam ng Estados Unidos.

Paliwanag ni Hicap na ayaw nilang magamit ng Amerika ang Pilipinas sa girian nito sa iba pag mga bansa tulad na lamang ng China, dahil ang mga Pilipino aniya ang pinaka maaapektuhan.