Umaalma na ang grupo ng mga mangingisda sa ipinapairal na fishing ban sa lalawigan ng Cavite dahil sa tumagas na langis mula sa lumubog na motor tanker sa Manila Bay.
Panawagan ngayon ng grupong pamalakaya na tanggalin na ang ipinaipairal na fishing ban sa 9 na coastal towns sa Cavite dahil mas nakaperwisyo lamang umano ito sa kanilang kabuhayan kesa sa mismong oil spill.
Hindi naman kasi umano direktang naapektuhan ang fishing grounds sa probinsiya.
Matatandaan, idineklara ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang state of calamity sa Bacoor, Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza, Naic, Maragondon, at Ternate kasunod ng paglubig ng mt terranova na naglalaman ng 1.4 milyong industrial fuel sa manila bay malapit sa limay, bataan na nagresulta ng malawakang oil spill.
Kayat pinagbawalan muna ng Bureau of fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pangingisda sa mga lugar na apektado ng oil spill.
Lumabas kasi sa isinagawang pagsusuri na nakitang kontaminado ng kemikal ang fish samples na nakolekta mula sa mga bayan ng noveleta at rosario sa Cavite habang wala namang nakitang sinyales ng kontaminasyon mula sa mga fish sample sa Cavite city, Tanza, at Naic.
Samantala, bilang tulong sa mga apektado ng oil spill, nakapamahagi na ang Department of Labor and Employment ng P6.125 million para sa aabot ng 1,178 mangingisda sa Tanza na binigyan ng pansamantalang trabaho sa ilalim tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged workers (TUPAD) program.