-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Nanawagan ang grupo ng mga mangingisda sa bayan ng Aparri na ihinto ang mga aktibidad sa ilog Cagayan kaugnay sa nalalapit na “close season” ng alamang.

Ayon kay Ricardo Umoso, presidente ng sektor ng mangingisda sa Aparri, magsisimula sa unang araw ng Setymebre hanggang sa Nobyembre 15 ang pansamantalang pagbabawal sa paghuli ng alamang alinusunod sa direktiba ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2.

Paliwanag niya na ang mga nasabing buwan ang nangingitlog ang mga alamang na maaaring mabulabog sa ginagawang aktibidad sa ilog.

Nangangamba rin ang mga mangingisda sa bayan ng Aparri na posibleng maapektuhan ang kanilang pangkabuhayan dahil sa umano’y black sand mining sa bukana ng ilog Cagayan.

Una nang itinanggi ni Governor Manuel Mamba na may nagaganap na “blacksand mining” sa pagpapalalim at de-clogging ng bukana ng Cagayan River na magiging sa pagbuhay muli ng Port of Aparri.