-- Advertisements --

Naghain ng complaint ang grupo ng mga abogado sa Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) para panagutin ang gobyerno dahil sa patuloy na pag-atake laban sa mga abogado, piskal at hukom sa bansa.
Inihain ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang naturang complaint sa Geneva, Switzerland bago ang nakatakdang Universal Periodic Review ng UNHRC sa mga record ng human rights ng Pilipinas sa susunod na linggo.
Ayon sa NUPL, nasa 59 mula sa 133 abogado, huwes at piskal ang napatay mula noong 1984 hanggang sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ikinalungkot din ng grupo na ang harrassment sa mga abogado at hukom ay wala ng tigil matapos umupo sa pwesto si Pangulong Marcos.
Kung kayat hinikayat ng grupo ang UN Human Rights Council member na himukin ang Marcos government na ipatigil ang pag-commit ng paglabag sa karapatang pantao laban sa mga human rights defenders ng mga Pilipino.
Samantala, sa pagbabalik naman ni Justice Secertary Jesus Crispin Remulla na mangunguna sa high-level government delegation sa 4th cycle ng UPR na isang peer-review mecahnism ng UNHRC sa Nobiyembre 14, nangako ang Justice Secretary na kaniyang ipaparating ang isang malinaw na mensahe na ang Pilipinas sa ilalim ng Pangulong Marcos Jr. ay magsusumikap para maisakatuparan ang transformational reform ng hustisiya at law enforcement sectors sa bansa upang matamasa ng bawat mamamayang Pilipino ang kanilang karapatang pantao base sa rule of law at paggalang sa due process.
Kaniyang tatalakayin din ang mga komprehensibong reform program ng Real Justice, in Real Time ng Department of justice kabilang dito ang pag-decongest sa mga piitan sa bansa, paglinang sa case buildup sa pamamagitan ng kooperasyon sa pagitan ng mga prosecutors, imebstigador at ng Commssion on Human rights at pagpapalakas pa ng witness protection.