Nagpahayag ng suporta ang samahan ng mga alkalde kay Pasig City Mayor Vico Sotto na nahaharap sa reklamong graft.
Ang reklamong graft ay inihain sa Office of the Ombudsman ng isang private citizen na si Ethelmart Austria Cruz.
Base sa reklamo na binigyan umano ni Sotto ng 100 percent na tax discount ang telecommunications company na nakabase sa Pasig City kahit na kuwestiyonable ang mga dokumento nito.
Ayon sa pahayag naman ng Mayors for Good Governance (M4GG) , na ang nasabing reklamo ay magbibigay ng tsansa para lumabas ang katotohanan subalit malinaw na ito ay isang uri ng pamumulitika.
Dahil sa nalalapit na ang halalan sa 2025 ay maituturing ito na isang harassment sa alkalde.
Unang naitalaga noong 2019 at ito na ang pangalawang termino ni Sotto at hanggang ngayon ay hinihintay pa nila kung tatakbo pa ito sa susunod na halalan.