-- Advertisements --
Umalma ang mga miyembro ng Concern Artists of the Philippines (CAP) ,ang grupo na itinaguyod ni National Artist Lino Broka, sa panghihimasok ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanila.
May kaugnayan ito sa isyu ng pagpuna ng PDEA sa kanta ng rapper na si Shanti Dope na “Amatz” dahil naglalamang ng lyrics na nagsusulong ng paggamit ng marijuana.
Ayon sa grupo na ang nasabing kanta ay isang uri ng pagpapakita nila ng kalayaan ng malayang pamamahayag.
Dagdag pa ng grupo na dapat pagtuunan na lamang ng pansin ng PDEA sa pag-aresto sa mga malalaking tulak ng droga at hindi pagdiskitahan ang kanilang kanta.
Magugunitang pinayuhan na lamang ng PDEA si Shanti Dope na gumawa na lamang ng kanta na nagtataguyod ng kabutihan sa mga kabataan.