-- Advertisements --

Humihirit ng taas presyo ang mga samahan ng mga magsasardinas sa bansa ng taas presyo.

Ayon kay Canned Sardines Association of the Philippines executive director Francisco Buencamino, na hindi na mapigilan ang mga pagtaas ng mga raw materials para sa mga sardinas.

Hirit lamang nila na pagbigyan sila sa kanilang hiling na magtaas ng hanggang P3.00 sa mga sardinas.

Hiniling din nito sa Departemnt of Trade and Industry ng pagkakaroon ng pag-uusap para sa nasabing kahilingan na pagtaas presyo.

Una sinabi ng DTI na kanilang pinag-aaralan ang lahat ng mga hirit na taas presyo ng mga negosyante.