Nangako ng suport ang Association of General and Flag Officers, sa Pilipinas, sa anumang hakbang na gagawin nito para matugunan ang krisis sa West Phil Sea.
Ang naturang grupo ay binubuo ng mga dating heneral at Flag Officers ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at Phil Coast Guard.
Sa inilabas na statement ng grupo na pirmado ni Ret. AFP Vice Admiral Emilio Marayag Jr, nakasaad dito ang pagsuporta ng grupo sa anumang hakbangin ng pamahalaan ng Pilipinas para lamang ma-preserve ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo nito sa WPS.
Kasabay nito ay nakiisa rin ang grupo ng mga opisyal sa pagkondena sa naging aksyon ng China na pang-haharas sa mga barko ng Pilipinas sa WPS na nagresulta sa pagkabangga rito.
Ang ginawa ng China, ayon sa grupo, ay malinaw na pagbabalewala nito sa international convention on Safety Of Life At Sea(SOLAS), at International Regulations for Preventing Collisions at Sea(COLREGS)
Ayon sa grupo, ang patuloy na pagpasok ng China sa EEZ ng PIlipinas ay malinaw na nagpapakita sa paglapastangan nito sa karapatan ng mga Pilipino na makapangisda ng ligtas at malaya sa WPS.