-- Advertisements --

Binatikos ng grupong ‘Samahan ng mga Magulang na ang mga Anak ay Biktima ng Dengvaxia’ ang naging hakbang ng Department of Justice (DOJ) na pag-dismiss sa kasong kinakaharap nina dating Department of Health (DOH) secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin at iba pang kasamahan kaugnay sa kontrobersyal na paggamit ng Dengvaxia Vaccine.

Maalalang sinampahan ng kaso ang grupo ni Garin at ilang dating matatas na opisyal sa DOH, top executive’s ng vaccine manufacturer na Sanofi Pasteur Inc. at vaccine distributor na Zuellig Pharma noong 2019 dahil sa umano’y pagkamatay ng ilang mga bata na naturukan ng naturang bata.

Ngunit tuluyang dinimis ng DOJ ang 98 kasong naihain laban sa kanila.

Ayon sa Samahan ng mga Magulang na ang mga Anak ay Biktima ng Dengvaxia, malinaw ang pagkakamali ng DOJ sa naging desisyon nito, at umaasang maitatama ito ng ahensiya para mapigilan pa ang karagdagang inhustisiya sa mga biktima ng Denvaxia.

Iginiit din ng grupo na ang 170 bata at mga matatandang biktima ng Denvaxia ay patuloy pa ring sumisigaw ng hustisya at sapat na pag-kalinga dahil sa umano’y kapabayaan ng mga opisyal.

Umapela rin an grupo sa DOJ na balikan ang naging desisyon at pag-aralan muli ang patong-patong na kasong inihain laban sa mga respondents upang mapanagot ang mga ito.