-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Naghanda ng palabas tungkol sa buhay ni direk Peque Gallaga ang grupo ng mga direktor sa Pilipinas bilang pag-alala sa kanyang mga naiambag sa Philippine Film Industry.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay direk Jo Macasa ng Gallaga-Reyes Films, maraming direktor ang natulongan at na inspire ng tinaguriang master shaman at master filmmaker kaya nais nilang makilala pa ng lahat si Direk Peque sa pamamagitan ng kanilang on line show tribute.

” Bilang teacher talagang e mo-mold ka niya, at collaborator siya, he like working with a team. He allows you to bloom, he allows you to explore, to grow, to hear, to make mistakes and talagang he is a very generous teacher” saad ni Direk Jo Macasa

Inalala din direk Joey Reyes kung gaano kagaling na direktor si Peque Gallaga

” Ang dami niyang ginawang apelikula at kahit na aning genre kaya ni Peque, ganoong uri siya ng direktor.” pag-alala ni direk Joey Reyes

Si Peque ay kilala sa kanyang tanyag na mga pelikula na Oro Plata Mata, “Scorpio Nights,” “Magic Temple,” “Shake, Rattle and Roll films”, at “Magic Kingdom.”. Aabangan naman ang ”Magic Land” na sinikap niyang matapos bago mamatay bilang huli niyang pelikulang handog sa mamamayang Pilipino.